Ngayon, pag aaralan natin kung papaano ba ang tamang pag-aalaga sa battery ng cellphone para mapanatili itong healthy, para hindi ito madaling masira at maka-iwas sa disgrasya.
Paano Alagaan Ang Battery Ng Cellphone
Mas mapapatagal ang lifespan ng battery ng cellphone mo kung alam mo ang tamang paraan kung paano ito alagaan. Para mas matagal malowbat ang cellphone mo ay dapat inaalagaan ito.
Tamang Paraan Ng Pag-charge Ng Cellphone
Alam mo ba na nasisira ang battery ng cellphone mo dahil hindi mo alam ang tamang paraan kung paano i-charge ang cellphone mo. Dapat sundin mo ang mga tamang paraan kung papaano ang pag-charge ng cellphone para hindi ito agad masira.
Ilang Percent Dapat Icharge Ang Cellphone
Ang golden rule sa pag-charge ng cellphone ay from 30%-90%. Nasisira ang battery ng cellphone kapag na-charge ito hanggang 100% kaya hindi mo dapat i-charge ang cellphone mo overnight. Hindi rin kailangan na mag 0% ang battery bago mo ito i-charge.
Dapat Bang I-full Charge Ang Bagong Cellphone
Sa panahon ngayon at sa advance technology ay hindi mo na kailangang i-full charge ang bagong bili mong cellphone. Ang mga manufacturers ng cellphones ngayon ay na-test at na-charge na nila ang batteries ng mga bagong cellphones bago ilagay sa market.
Pero dapat mong basahin ang nakasulat sa manual ng bagong phone dahil may mga cellphones na nagre-require na i-full charge ito bago gamitin.
Paano Mapabilis Ang Pag Charge ng Cellphone
Bakit matagal at mabagal mag charge ang cellphone at paano ito mapapabilis. Minsan talaga ay nakakalimutan nating linisin ang cellphone bago ito i-charge.
CCleaner Cache Cleaner, Phone Booster, Optimizer App
Ang app na ito ay pwede sa mga android users. Ang ginagawa ng app na ito ay bino-boost, ino-optimize at nililinis nito ang cellphone. Kaya mas ok na linisin muna ang cellphone bago ito i-charge.
source: m.apkpure.com |
Huwag Gamitin Ang Cellphone Kapag On-charge
Ito ang isa sa mga common na dahilan kung bakit madaling masira ang battery ng cellphones. Hindi mo dapat ginagamit ang cellphone mo kapag naka-charge ito. Wag kang manood ng videos, wag kang mag-laro ng games, wag mag-social media. Dapat hayaan mo lang na mag-charge ang cellphone mo.
Turn Off Networks Before Charging
Simpleng tips para mas mapabilis ang pag-charge ng cellpgone ay dapat i-off ang Wi-Fi, Mobile Data, Bluetooth, Hotspot para mas mabawasan ang activities ng cellphone at mapapabilis nito ang pag-charge.
Turn ON Airplane Mode For Fast Charging
Mas mabuting i-Airplane Mode mo ang cellphone mo para mag-focus ang cellphone sa pag-charge instead na mag recieve ito ng mga notification from messages, messenger, facebook, emails, etc.
Use The Real Charger
Baka hindi compatible ang charger na ginagamit mo sa cellphone mo kaya matagal itong ma-charge. Gumamit ng tamang charger sa pag-charge ng cellphone at huwag kang gumamit ng kung anu-anong charger.
Paano Patagalin Malowbat Ang Cellphone
Ano ba ang dapat mong gawin para hindi madaling malowbat ang cellphone mo.
Turn On Saving Mode In Settings
Ang mga modern cellphones ngayon ay may Saving Mode. Ang ginagawa Saving Mode ay binabawasan nito ang power consumption para hindi ito madaling malowbat.
Dark Mode And Low Brightness
Alam mo ba na mas matagal malowbat ang cellphone mo kapag naka Dark Mode ito at Low in Brightness dahil nababawasan nito ang power consumption.
source: unsplash.com |
Bakit Lumalaki at Lumobo Ang Battery ng Cellphone
Ang common reason kung bakit lumalaki at lumolobo ang battery ng cellphone mo ay dahil sa pag-over charge at paggamit ng maling charger. Kaya dapat gamitin mo ang tamang charger nito at hindi mo dapat i-over charge ang cellphone mo para maiwasan ang pagsabog ng battery.
source: Shutterstock |
Mga Senyales Na Sira Na Ang Battery Ng Cellphone
Paano nga ba malalaman kung sira na ang battery ng cellphone. Ito ang mga senyales na sira na ang battery ng cellphone mo:
- Biglang namatay ang cellphone
- Kapag namamatay ang cellphone kahit hindi naman lowbat
- Ayaw nang mag-charge
- Mabilis ma-lowbat
- Kapag hindi mo ginagamit pero biglang nalo-lowbat
- Kapag lumobo na ang battery
Sana nakatulong ito para mas mapangalagaan mo ng tama ang battery ng cellphone mo at mas patagalin pa ang buhay nito.
Tags:
Tutorial
Ano ang mas nakakabuti sa cellphone mag charge ng naka power off o di naka power off. Sana masagot
ReplyDeletePokerStars Casino, poker and sportsbook review - JTA
ReplyDeletePokerStars Casino, poker 안양 출장안마 and sportsbook 삼척 출장마사지 review If you are looking for a 용인 출장안마 casino and sportsbook review in the USA, 강원도 출장안마 then PokerStars Casino is 아산 출장마사지 the place to be.