Paano Tanggalin Ang Tubig sa Speaker ng Cellphone


Nabasa ba ang cellphone mo at nag-iiba ang tunog ng speaker nito? Ito ang tutorial na pwede mong gawin para matanggal ang tubig sa speaker ng cellphone mo at para hindi na crappy ang sound nito.

1. Gumamit ng hair blower. Ang hair blower ay may kainitan kaya pwedeng itong gamitin para patuyuin ang tubig na nasa loob ng speaker.

2. Ilagay ang cellphone sa bigasan. Ito ang old way at effective na paraan para matanggal ang tubig sa speaker ng cellphone. Ilagay mo lang ang buong cellphone mo sa bigasan ng 12 - 24 hours.

3. Gumamit ng sound para tanggalin ang tubig sa speaker. Ang sound na ito ay kayang tanggalin ang tubig na nasa loob ng speaker. I-play mo lang ang video na ito at lakasan mo ang volume nito at kusang lalabas ang tubig na nakapaloob sa speaker ng cellphone mo.

4. Ipalinis ang cellphone. Kung hindi gumana ang mga naunang tips ay mas mainam na ipalinis mo na ang cellphone mo sa nagre-repair ng cellphone.

Sana nakatulong ito para mawala ang tubig sa cellphone mo.
PHBREAKER

Hi, PHBREAKER's owner. Just an average Filipino guy writing for this website. I'm glad you checked out my site. Please inform me if my writing is incorrect.

Post a Comment

Previous Post Next Post