Siguro narinig mo na ito sa ibang tao o baka nasabi na ito ng kaibigan mo sa'yo na buraot ka, pero ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang buraot?
Ano Ba Ang Buraot?
Ang salitang "buraot" ay isang Tagalog slang o salitang kalye na may ibat-ibang ibig sabihin depende kung paano ito gamitin.
- Palaging Humihingi: Ito yung mga buraot na kaibigan mo na lagi nalang humihingi ng pagkain, gamit, at iba pa.
- Laging Nagpapa-libre: Ito naman yung mga buraot na lahat nalang ng gusto ay nililibre at walang ambag.
- Kuripot o Madamot: Minsan ginagamit ang salitang buraot sa mga kuripot at madamot, ito yung mga buraot na kinukuha o kinakain lahat at ayaw magbigay.
Halimbawa ng Salitang Buraot sa Pangungusap
Ito ang mga simpleng pangungusap kung saan ginagamit ang salitang buraot:
- Buraot talaga si Grace, lagi nalang nanghihingi ng papel.
- Wag niyo nang isama si MakMak sa inuman kasi buraot yan sa pulutan.
- Ang kapal naman ng mukha mong mamburaot, naubos mo na yung pagkain ko.
- Uy wag kang buraot, mag share share ka naman jan.
Kaya sa susunod na marinig mo ang salitang "buraot" ay alam mo na ang ibig sabihin nito.
Tags:
Learn